Inihayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na kakampi mismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpatunay na noon pa ay naabisuhan na ang dating Presidente na mayroon nang arrest warrant sa kanya ang ICC.
Ang tinutukoy ni Atty. Castro ay ang isang Benito Ranque, co-convenor ng ‘Bring PRRD Home’ movement.
Base, ani Castro, sa lumabas na ulat ng Daily Tribune ay sinabi ni Ranque na sa gitna ng nakaumang Warrant of Arrest kay FPRRD ay kinumbinsi na itong manatili na lang sa Hongkong sa ilalim ng proteksyon ng China.
Pero ang tugon, aniya, dito ni Duterte, ay bumalik sa Pilipinas at harapin ang kaso na ayon kay Atty. Castro ay nangangahulugang sadyang alam ng dating Pangulo na siya’y may mandamyento de aresto.
Kaya paano aniya masasabing may kidnapping at may extra rendition na nangangahulugan ding ang administrasyon ay walang nilabag na batas. | ulat ni Alvin Baltazar