Ilalabas na IRR, hindi dapat baluktutin ang tunay na diwa ng MIF bill — Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senate Majority Leader Joel Villanueva na nakababahala ang lumalabas na iba’t ibang interpretasyon sa Maharlika Investment Fund Bill partikular mula pa sa mga opisyal ng mga ahensyang babalangkas mismo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng panukala.

Ito aniya ang dahilan kaya dapat bantayan nang maigi ang pagbalangkas ng IRR ng MIF sa sandaling maisabatas na ito.

Sinabi rin ni Villanueva na kung sakaling hindi salaminin ng IRR ang tunay na intensyon at adhikain ng mga mambabatas sa pagbalangkas ng nasabing panukalang batas ay paiiralin nila ang kanilang oversight function at ipatatawag ang mga bumalangkas ng regulasyon.

Muling iginiit ng senador na malinaw sa section 6 at 12 ng panukala na hindi papayagang magamit sa pamumuhan sa Maharlika Investment Corporation (MIC) ang pension fund ng SSS, GSIS, OWWA, Philhealth, Pagibig at PVAO.

Pinaalala rin ng mambabatas na tanging ang kongreso lang ang may kapangyarihang mag-amyenda ng mga batas at hindi dapat mabaluktot ang tunay na diwa ng batas sa pagbuo ng mga regulasyon para sa implementasyon nito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us