14th month pay para sa lahat ng empleyado sa pampubliko at pribadong sektor, itinutulak sa Kamara.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan na mabigyan ng “14th month pay” ang lahat ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.

Sa ilalim ng House Bill 8361, ang 14th month pay ay maaaring matanggap ng lahat ng mga kawani sa gobyerno at pribadong sektor, anuman ang kanilang “employment status.”

Ang pamamahagi naman ng 14th month pay ay itatakda kada Nov. 30 o bago ito, tuwing calendar year.

Habang ang kasalukuyang 13th month pay ay ilalabas ng employers tuwing May 31 o bago ito.

Nakasaad sa explanatory note ng panukala, bagama’t mayroon nang 13th month pay na nilalayong protektahan ang antas ng sahod mula sa epekto ng “inflation” ay nagbago na ang panahon.

Patuloy kasing tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo kaya’t hindi na sumasapat ang sweldo ng mga empleyado.

Kaya’t umaasa ang mga may-akda ng panukala na makakatulong ang 14th month pay bilang dagdag-budget ng mga empleyado, lalo na para sa pag-aaral ng mga bata at medical expenses.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us