Makakaasa ang mga Pilipino na patuloy na itataguyod ng Marcos Administration ang kapakanan ng bawat miyembro ng lipunan, para sa tunay na paglago ng Pilipinas, kung saan walang Pilipino ang maiiwan.
“Itinataguyod natin ang kapakanan ng bawat miyembro ng lipunan para sa tunay na paglago ng ating bansa.” —Pangulong Marcos.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng panunumpa sa pwesto ngayong araw (June 7) ng mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan.
Kabilang dito sina:
Atty. Katrina Ponce Enrile na administrator at CEO ng Cagayan Special Economic Zone (CEZA).
Mohammed Hussein Pangandaman na siyang administrator ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB),
At si Suharto Mangudadatu, na itinalaga bilang Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA),
Ayon kay Pangulong Marcos, hangad ng pamahalaan ang isang Bagong Pilipinas, kung saan bawat sektor ng lipunan ay napahahalagahan at bawat isang Pilipino ay kasama sa pag-unlad.
“Hangad natin ay isang Bagong Pilipinas kung saan bawat sektor ay napapahalagahan at walang Pilipinong napag-iiwanan.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan