Franchise community, hinikayat ni Finance Sec. Diokno na mamuhunan sa Filipino workforce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang franchise community na mag-invest sa Filipino workforce.

Ito ang kanyang mensahe sa isinagawang Franchise Asia Philippines (FAPHL) 2023.

Ayon kay Diokno, mahalaga na maging ka-partner ng franchising industry ang  gobyerno upang maingatan ang natamong tagumpay ng industriya at mapangalagaan ang Filipino workforce.

Sa ngayon kasi nasa franchise ang top employers at industry leaders kaya importante na panatilihin itong “people-centered workplaces” upang lalo pang ma-develop ang kasanayan at talent ng mga manggagawa.

Ang Philippine Franchise Asia ay naglalayong i-promote ang franchising bilang “tool for economic development” upang palakasin ang “global competitiveness and sustainability” ng sektor.

Ibinahagi din ng kalihim ang ginagawa ng Marcos Jr. administration para palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng malaking pamumuhunan sa imprastruktura, human capital development, at digitalization.

Diin pa ng DOF chief na isa sa priority agenda ng gobyerno ang “employment generation” tungo sa socioeconomic transformation.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us