Lumago ng 6.3 percent ang domestic liquidity (M3) na nasa humigit-kumulang ₱18.0 trilyon noong Pebrero 2025.
Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bahagyang bumaba ito mula sa 6.8 porsyento na naitala noong Enero 2025.
Ang domestic liquidity ay sukat ng kabuuang pera na available sa local economy kabilang na ang mga nasa sirkulasyon, demands, savings at time deposits.
Tumaas ng 10.1% ang domestic claims nitong Pebrero mula sa 10.9% noong Enero.
Ang pautang sa pribadong sektor ay lumago ng 12.3%, dahil sa patuloy na pagpapautang ng mga bangko sa private companies at indibidwal.
Patuloy na titiyakin ng BSP, na ang kondisyon ng domestic liquidity ay naaayon sa kasalukuyang polisiya sa pananalapi upang mapanatili ang katatagan ng presyo at sistema ng pananalapi sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes