Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na humupa na ngayong umaga ang grassfire na sumiklab sa bahagi ng Taal Volcano Island.
Ayon sa PHIVOLCS, bandang 5:20 ng umaga ngayong Miyerkules, April 2, 2025 ay natapos na ang sunog.
Matatandaang iniulat kagabi ng PHIVOLCS ang grassfire sa may timog kanlurang bahagi ng TVI na direktang nakaapekto sa Binintiang Munti (VTBM) Observation Station.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi ito ang unang grassfire sa lugar dahil noong March 3, 2023 at May 2, 2024 ay naganap na rin ang naturang insidente.
Sa ngayon, nananatiling sa alert level 1 estado ng Bulkang Taal.
Sa nakalipas din na 24 oras, naitala ng PHIVOLCS ang 6,000 metrong taas ng mahinang pagsingaw na napadpad sa may timog kanluran ng bulkan at pagbuga ng 2,218 tonelada ng asupre. | ulat ni Merry Ann bastasa