Nagpaabot ng kaniyang pagbati si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa mga magsisipagtapos para sa School Year 2024-2025.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Angara na dapat bitbitin ng mga graduate ang pagsusumikap, pagiging madiskarte at pagmamalasakit sa bagong yugto ng kanilang mga buhay.
Pinuri rin ng Kalihim ang mga guro at mga school staff na walang sawang umaalalay sa mga estudyante gayundin ang mga magulang sa kanilang hindi matatawarang paggabay.

Ngayon aniyang isang taon na naman ang nagsara, iginiit ni Angara na marami pa ang kailangang gawin sa sektor ng edukasyon sa bansa.
Binigyang-diin pa ng kalihim na batid niya ang sinusuong na hirap ng mga mag-aaral upang makapasok sa eskuwelahan kaya’t ito aniya ang magsisilbing hamon para ituloy ang mga repormang dapat para sa sektor. | ulat ni Jaymark Dagala