Natapos na ang unang araw ng ikaapat na oral arguments kaugnay sa petisyong kumukuwestiyon sa pagiging legal ng paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) pabalik sa National Treasury.
Kanina, ibinahagi ng isang mahistrado ang kanyang karanasan sa benepisyo ng PhilHealth.
Ayon kay Associate Justice Jhosep Lopez, umabot sa P7 milyon ang nagastos niya para sa pagpapaospital, pero P50,000 lamang ang sinagot ng PhilHealth.
Sa pagtatanong ni Justice Lopez, tinanong niya si PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr. kung dapat bang managot ang ahensiya kaugnay sa hindi paggastos ng halos P90 bilyon na sobrang pondo mula pa noong 2021.
Bukas ng umaga, ipagpapatuloy ang ikaapat na oral arguments sa usapin ng PhilHealth funds. | ulat ni DK Zarate