Nasa 25 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na kabilang din sa indigenous group sa Sta Ana Cagayan, ang nakatanggap ng 375,000 pesos na halaga ng kagamitan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), upang suportahan ang fish processing business ng mga ito.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng pamahalaan ang fish smoking machine, sealing machine, at iba pang gamit na makakatulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.
Bukod dito, naglaan din ng pondo ang Santa Ana LGU para sa pagtatayo ng pasilidad na su-suporta sa operasyon ng kanilang negosyo.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Commynications Usec Claire Castro na layon ng naturang programa na palakasin ang kabuhayan at tugunan ang pangangailangan ng mga benenipisyaryo.
Gayunrin, upang suportahan ang mga IP community na maging self-sufficient at matiyak ang pagkakaroon ng pangmatagalang kita upang masuportahan ang edukasyon at kalusugan ng kanilang pamilya.
“Bukod dito, nagbigay din ng karagdagang tulong ang lokal na pamahalaan ng Santa Ana para sa pagpapatayo ng pasilidad para makatulong sa nasabing negosyo. Ayon sa DSWD, layon ng assistance package na ito na makatulong sa pagpapalawak at pagpapatibay sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.” —Usec Castro. | ulat ni Racquel Bayan