Pansamantalang ititigil ang operasyon ng MRT-3 mula Huwebes Santo, April 17, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, April 20, upang bigyang-daan ang taunang Holy Week maintenance activities ng rail system.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bilang bahagi ng paghahanda, palalawigin ang weekday operating hours ng tren sa Miyerkules, April 16. Ang huling biyahe mula North Avenue Station ay alas-10:30 ng gabi, habang sa Taft Avenue Station naman ay alas-11:09 ng gabi.
Muling magbabalik sa normal na operasyon ang MRT-3 sa Lunes, April 21. Ang unang biyahe mula North Avenue Station ay alas-4:30 ng umaga, at mula Taft Avenue Station ay alas-5:05 ng umaga.
Pinapayuhan ang mga pasahero na magplano ng kanilang biyahe at gumamit ng alternatibong transportasyon sa panahong suspendido ang operasyon ng MRT-3. | ulat ni Diane Lear