Nakatutok rin ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa posibleng maging epekto sa agri sector ng ipinataw na taripa ni US Pres. Donald Trump.
Sa isang pahayag, sinabi ni SINAG Exec. Dir. Jayson Cainglet na hindi pangunahing exporter ang bansa sa industriya ng livestock, o kahit sa agrikultura sa pangkalahatan.
Ang mga “export winners” aniya sa agrikultura ay mga semi-processed goods gaya ng copra coconut oil, desiccated coconut, coconut water at canned pineapple.
Gayunman, binabantayan umano nila ang magiging epekto nito sa feeds para sa livestock at mga farm inputs tulad ng fertilizers, lalo na’t may mga bansang gaya ng China na nagpatupad ng retaliatory tariffs laban sa U.S. | ulat ni Merry Bastasa