Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang maayos na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila ngayong papalapit na mga Semana Santa.
Pero ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, sa kabila nito’y magtutuloy-tuloy naman ang kanilang road clearing at road cleaning operations.
Ito’y para na rin sa mga sasakyan na daraan sa ibang mga ruta dahil magkakaroon ng mga road-reblocking sa mga pangunahing kalsada.
Samantala, sinabi naman ni Artes na bukod sa 2,542 traffic personnel na ipakakalat, mayroon silang 468 assets kasama ang tow trucks, motorcycles, patrol cars at iba pa na ipakakalat sa Metro Manila.
Pagaganahin din ng MMDA ang kanilang Command Center sa Pasig City para sa 24/7 real-time CCTV surveillance sa sitwasyon sa buong Metro Manila sa kasagsagan ng mga Semana Santa. | ulat ni Jaymark Dagala