Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Phase 1 ng Malibago-Balagbag Ridge Road Project sa Torrijos, Marinduque.
Ayon kay DPWH Regional Director Gerald Pacanan, halos dalawang kilometro ang lawak ng bagong kalsada na dati’y masukal at mahirap daanan — na karaniwang nilalakad o dinadaanan lang ng kalabaw.
Sa ngayon, aabutin na lamang ng 10 hanggang 15 minuto ang dating isang oras na biyahe ng mga magsasaka sa pagdadala ng produkto sa pamilihan.
Kasama sa proyekto ang mga kanal, kongkretong balikat ng kalsada, at 30 solar street lights para sa ligtas at matibay na daanan.
Giit ng DPWH, ang proyekto ay bahagi ng “Build Better More” program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na layuning paunlarin ang mga kanayunan sa pamamagitan ng mas maayos na imprastraktura. | ulat ni Lorenz Tanjoco