Nagkaroon ng ashfall sa ilang brgy sa Negros kasunod ng muling pagsabog ng Bulkang Kanlaon kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang ashfall sa Brgy. Cubay, San Miguel, at La Granja, sa La Carlota City.
Batay naman sa ash dispersion model ng ahensya, karamihan ng abo ay kumalat sa taas na 5 kilometro, kaya’t kaunti lamang ang naitalang ashfall sa kanlurang bahagi ng Kanlaon, na kinumpirma rin ng mga ulat mula sa mga komunidad sa lugar.
Kaugnay nito, pinaalalahanang muli ng PHIVOLCS ang mga residente malapit sa bulkan na magdoble ingat sa panganib ng ashfall.
Matatandaang iniulat ng PHIVOCLS kaninang magaalas ng umaga ang ‘explosive eruption’ sa Bulkang Kanlaon na tumagal ng higit 50 minuto. | ulat ni Merry Ann Bastasa