Sinimulan na ng Board of Investment (BOI) ang pagtalakay upang pabilisin ang transaksyon ng mga negosyanteng nagnanais na mamuhunan sa bansa.
Ito’y makaraang makipagpulong na ang BOI sa Department of Information and Communications Technology o DICT gayundin sa Anti-Red Tape Authority o ARTA.
Dito, tinalakay kung paano ang gagawing streamlining at digitalization sa green lane process ng mga negosyante para pabilisin ang kanilang pamumuhunan sa bansa.
Pinangunahan ang pagpupulong ng BOI One-Stop Action Center for Strategic Investments kung saan, kabilang din sa mga isasagawa ay ang coordinated reporting mechanism sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan salig sa Executive Order 18.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaan na i-digitalize na ang mga transaksyon sa gobyerno alinsunod na rin sa itinatakda ng Ease of Doing Business Law. | ulat ni Jaymark Dagala