Inilunsad na ng Caloocan City Government ang Free Notary Service program nito para sa solo parents.
Pinangunahan ni Caloocan Mayor ang paglulunsad ng programa na layong asistehan ang mga solo parent sa pagproseso ng kanilang mga legal na dokumento para makapag-apply ng Solo Parent ID.
Kabilang rito ang notaryo para sa Sworn Statement at Affidavits of Two Disinterested Persons.
Ayon sa alkalde, sa tulong ng programa ay nilalayon din nilang mabawasan na ang gastusin at isipin ng mga solo parent na mag-isang nagtataguyod ng kanilang mga pamilya.
Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ni Mayor Malapitan ang mga solo parent sa lungsod na magapply na ng kanilang solo parent ID. | ulat ni Merry Ann Bastasa