3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 3,000 family tents habang ongoing na ngayon ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa loob ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon.

Ayon sa DSWD, mayroon nang 26 pamilyang mula sa Sitio Nagsipit ng Barangay Mariroc sa Tabaco City ang inilikas sa Pawa evacuation center.

Bukod dito, may evacuees na rin mula sa Oson, Tobacco City ang pansamantala ngayong nanunuluyan sa San Antonio National High School evacuation center.

Ayon kay DSWD Asec. For Disaster Response and Management Group (DRMG) Marlon Alagao, nasa tinatayang 15,000 pamilyang nakatira sa 8-10km danger zone ang inaasahan nilang kailangang ilikas.

“The deployment of big family tents was specifically requested by Legazpi City Mayor Carmen Geraldine B. Rosal in case of evacuation since Legazpi barangays are located within the 8-10 kilometer danger zone,” Asst. Secretary Alagao.

Samantala, bukod naman sa 54,000 family food packs na naka-preposisyon na sa Albay ay may karagdagan pang 68,000 FFPs ang ihahatid ng DSWD Central office.

Nakahanda na rin ang non-food items gaya ng kitchen kits at hygiene kits para sa mga pamilyang ililikas.

“Augmentation from other neighboring field offices is also an option to intensify support on the massive needs of food and non-food items,” Asec. Alagao. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us