Bulkang Mayon, nagtala ng 1 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtala ang bulkang Mayon ng 1 volcanic earthquake nitong nakalipas na 24 oras.

Ang pagyanig ay naganap sa pagitan ng alas-5:00 ng umaga ng June 9 hanggang alas-5:00 ng umaga nitong araw June 10.

Kasabay nito, nagkaroon din ng 59 rockfall events at naobserbahan ang fair crater glow na ibig sabihin ay nakikita na ang banaag ng naked eye sa gabi.

Ito ay ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) OIC Deborah Fernandez sa isang panayam ngayon umaga.

Maliban dito, nagtala rin ng pagtaas sa amount ng sulfur dioxide flux kahapon na umabot sa 417 tons subalit ito ay hindi dapat ipag-alala dahil ito ay below the baseline level pa saad ni Fernandez.

Mahigpit na tinututukan ng ahensya ang seismicity ng bulkan ngayon at sa mga darating pang araw.

Mariing ipinagbabawal pa din ang pagpasok sa 6-km PDZ. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us