Naitalang pagyanig sa bulkang Taal, nabawasan; Alert Level 1, nakataas pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal na nakapagtala na lamang ng pitong volcanic tremor sa nakalipas na 24 na oras, kumpara sa sunod-sunod na volcanic tremors noong nakaraang linggo.

Ayon kay Science Research Specialist Eric Arconado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Taal Volcano Observatory, bagama’t nakitaan pa rin ng steaming o pagsingaw ang bulkang Taal kaninang alas-6:00 ng umaga ay bumaba na ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan.

Maaliwalas na rin ang kalangitan sa mga lugar malapit sa bulkan dahil nag-disperse na aniya sa buong caldera ng Taal ang volcanic smog o vog dahil na rin sa pagbilis ng hangin.

Paliwanag ni Arconado, ang vog ay binubuo ng droplets o aerosols na maiiwasang malanghap kung gagamit ng N95 masks tuwing lumalabas.

Paalala pa rin ng PHIVOLCS sa mga residente malapit sa lugar, manatili na lamang sa mga tahanan kung walang mahalagang gagawin sa labas. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us