DOH – Bicol Region, naghahanda na sa posibleng epekto sa kalusgan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Department of Health Bicol Region sa posibleng epekto sa kalusugan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Central For Health and Development Region ng DOH Bicol region, isa sa kanilang pinaghahandaan ang sakit na makukuha sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon tulad ng sakit sa baga at skin irrations na makukuha mula sa acid rain mula sa bulkan.

Kaugnay nito, inihahanda na rin ang Public Health Preparedness and Response Unit ng DOH Bicol CHD ang mga kagamitan para sa pag-iwas sa mga banta sa kalusugan na maaaring maidulot ng volcanic hazards ng Bulkang Mayon.

Samantala, nananawagan ang DOH Bicol CHD sa publiko na sundin ang mga paalalang pangkalusugan sa pag-iwas sa mga banta ng Bulkang Mayon. | ulat ni AJ Igncaio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us