Tuloy-tuloy pa ang isinasagawang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa DSWD, huling pinagkalooban ng tulong pinansiyal ay ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Bansud, Roxas, Victoria, Pinamalayan, Gloria, Baco, San Teodoro, at Socorro.
Ang aktibidad ay parte ng maagap at maagang pagtugon ng pamahalaan sa mga epektong dulot ng oil spill sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) Program ng DSWD.
Pagtitiyak pa ng DSWD na lahat ng benepisyaryo na may motorized-fishing boat, non-motorized fishing boat, fish vendor at iba pang sektor sa pangingisda ay makakatanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan
Sunod namang makakatanggap ng cash assistance sa susunod na linggo ay mga benepisyo na magmumula naman sa Bayan ng Bulalacao, Bongabong, Calapan, Mansalay at Naujan. | ulat ni Rey Ferrer