350,000 job opportunities, aasahan sakaling mapagtibay na ang Maharlika Investment Fund bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aasahan na aabot sa 350,000 job opportunities ang mabubuksan sa mga Pilipino sakaling malagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mapagtibay ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Ayon kay Senator Mark Villar, sa kanyang pagdalo sa Mindanao League of Municipalities of the Philippines Convention 2023 na isinagawa sa Davao City, maliban sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa at pagdagdag ng maraming negosyo ay aasahan rin na makapagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino.

Maliban sa negosyo at trabaho ay madaragdagan din ang pagkukuhanan ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan lalo na sa imprastraktura.

Base sa Senate Bill 2020, ang inisyal na kontribusyon ng MIF ay magmumula sa national government, Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at government-owned and controlled corporation.

Nilinaw naman ng senador na siyang author ng nasabing panukala na hindi kukuha ng pondo ang MIF sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Pension Fund.

Sa ngayon ay pinaplantsa pa ang nasabing panukala bago isumite sa Malacañang upang malagdaan ng Pangulo. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us