Ininspeksyon nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Social Housing Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa ang ongoing housing project sa Pampanga sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng pamahalaan.
Sinuri nina Secretary Acuzar at Pangulong Laxa ang progreso ng Crystal Peak Homes sa Barangay Del Carmen sa San Fernando City, kasama ang iba pang opisyal ng DHSUD at SHFC.
Sa nasabing proyekto, itinayo ang 30 condominium-type 12-story buildings sa 8-ektaryang lupain sa barangay.
Inaasahang makabuo dito ng mahigit sa 8,300 units na bawat isa ay may sukat na 25-28sqm.
Ang pag-inspeksyon sa housing units ay ginagawa ni Secretary Acuzar upang matiyak ang patuloy na implementasyon ng housing program sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer