Mga bagong kagamitan ng AFP, itatampok sa Independence Day Parade

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itatampok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga modernong kagamitan sa Independence Day Parade ngayong araw.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, 34 motorized/mechanized assets at 26 aircraft ang lalahok sa selebrasyon ng ika-125 Araw ng Kalayaan na pangungunahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang aniya sa civic-military parade ang apat na bagong ground-based air defense system surface-to-air missiles, at dalawang Autonomous Truck-Mounted Howitzer System 155mm self-propelled artillery.

Habang magsasagawa naman ng fly-by ang dalawang A-29B Super Tucano, isang AH-1S Cobra attack helicopter, dalawang Blackhawks, at dalawang AW-109 naval helicopters.

Ayon kay Ileto, ito ay para para maipakita ang pinalakas na kapabilidad ng militar sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us