Party-list solon, muling humirit na isabatas na ang pagkakaroon ng permanent evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers ang nakikitang solusyon ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos para sa mga residenteng nakatira sa 6-kilometer danger zone sa palibot ng Bulkang Mayon.

Ayon sa kinatawan, bagamat magandang mai-relocate sana ang mga nakatira sa paanan ng bulkan, marami sa kanila ang bumabalik pa rin doon dahil sa naroroon ang kanilang kabuhayan.

Kaya naman bilang alternatibo, mas maigi na magkaroon na lamang aniya ng mga permanenteng evacuation center, lalo na sa mga lugar na mayroong aktibong bulkan.

Sa kasalukuyan, napagtibay na ng Kamara ang panukalang pagtatatag ng evacuation centers sa lahat ng bayan at munisipalidad sa bansa at nakabinbin naman sa Senado.

Nakapagpaabot na rin ng tulong si Delos Santos sa may 1,700 na pamilyang lumikas mula sa Guinobatan.

Naabutan ang mga ito ng relief goods at personal hygiene items. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us