Nanguna si Vice President Sara Duterte sa napipisil ng mga Pilipino na maging susunod na Presidente, ayon sa kinomisyong survey sa Social Weather Stations (SWS).
Sa naturang survey, tinanong ang mga respondent kung sino ang pinakamagaling na lider na dapat pumalit kay Pangulong Marcos, Jr. bilang Presidente.
Dito, lumalabas na 28% ng respondents ang nakikitang pinakamagandang opsyon si VP Sara Duterte para maging successor ni Pangulong Marcos Jr.
Pinakamalaki ang nakuhang porsyento ni VP Sara sa Mindanao (49%), Visayas, at National Capital Region (NCR).
Pumapangalawa naman si Senador Raffy Tulfo na nakakuha ng 11% habang ikatlo si dating VP Leni Robredo sa 6%.
Pasok rin sa Top 5 sina dating Pangulong Rodrigo Duterte (3%) at si dating Senador Manny Pacquiao (2%).
Nasa Top 10 din na kapwa nakakuha ng tig-1% sina Senador Robin Padilla, dating Manila Mayor Isko Moreno, Pangulong Bongbong Marcos, Senador Imee Marcos, at Representative Sandro Marcos.
Kinomisyon ni Arnel Ty ang survey na isinagawa mula April 15-18, 2023 sa pamamgitan ng face-to-face computer-assisted personal interviews (CAPI) sa 1,200 adults sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa