Agad na pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente malapit sa Bulkang Taal dahil sa banta ng acid rain.
Ito ay matapos maghapong ulanin ang buong probinsya ng Batangas kahapon dala ng epekto ng Habagat.
Namumuo ang acid rain kapag nagsama ang tubig at aerosol gaya ng ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan, na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pananim at bubong ng bahay o gusali.
Ngunit paliwanag ng PHIVOLCS, agad ring nawawala ang acid rain kapag malakas at matagal ang pag-ulan.
Gayunman, nagpaalala pa rin ang ahensya sa mga apektadong residente na limitahan ang exposure o aktibidad sa labas ng bahay o gumamit ng N-95 face mask para maprotektahan ang sarili. | ulat ni Hazel Morada