Nakiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa ngayong araw.
Sa isang mensahe, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang okasyong ito ay nagpapaalala sa atin na ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno ay hindi lamang humubog sa kasaysayan ng ating bansa ngunit patuloy din itong humuhubog sa kinabukasan nito.
Sinabi rin ng kalihim na hindi lamang layunin sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ibalik ang mga pangyayari bago ang pandemya, kundi pati rin ang pagsulong at gawing mas handa ang bansa sa mga hamon at demand ng ika-21 siglo.
Hinimok ni Manalo ang mga Pilipino na sa pagdiriwang ng ating kalayaan na tignan ang hinaharap habang pinapahalagahan ang mga natatanging katangian na ipinakita ng ating mga ninuno at patuloy na nagbibigay-kahulugan sa diwa ng ating pagka-Pilipino tulad ng katapangan, katatagan, pagmamalasakit, at malalim na pagmamahal sa bayan. | ulat ni Gab Humilde Villegas