Pagtatatag ng Kadiwa Agri-Food Terminals, pinamamadali ng isang kongresista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na sana’y dinggin na ang panukalang batas na magtatatag ng Kadiwa Agri-food terminals sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasunod na rin ito ng naitalang oversupply ng kalabasa sa Region 3 gaya na lang sa bayan ng Zaragoza at Talavera, Nueva Ecija.

Aniya, napakalaki ng ipinupuhunan ng mga magsasaka sa kanilang mga produkto.

Ngunit dahil sa labis na suplay ay bumababa na ang presyo nito na nauuwi sa pagkalugi.

Kaya naman aniya mas lalong napapanahon ang pagkakaroon ng post-harvest facilities at pag-institutionalize ng mga Kadiwa Agri-food terminals.

Una naman nang tiniyak ng Department of Agriculture na gumagawa na sila ng paraan para matugunan ang sobra-sobrang suplay ng kalabasa gaya ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mapaigting ang market linkage. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us