Mga bagong asset na na-acquire ng AFP sa ilalim ng modernization program, itinampok sa Grand Kalayaan Parade

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay, 125 taon na ang nakakalipas, upang ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.

Sa Grand Kalayaan Parade sa Lungsod ng Maynila, sinabi ng pangulo na angkop lamang para sa kaganapan ngayong araw ang huminto muna at magbalik tanaw sa layo na ng narating ng bansa.

“The heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the “ominous yoke of domination”; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny. We have stayed the course and adhered to their ideals for our free and independent country: popular, representative, and responsible.” —Pangulong Marcos Jr.

Ginamit rin ng pangulo ang pagkakataon, upang bigyang diin na ang kaniyang administrasyon, gagawin ang lahat upang ganap na maisakatuparan ang mithiin ng mga Pilipino noon o ang pagkakaroon ng isang masaganang buhay para sa lahat ng Pilipino, kung saan lahat ay pantay – pantay, walang naiiwan sa pag-unlad, at walang nagugutom.

“In this Administration, the Government will be responsible. I have said it before, I shall say it once more: I will be with you on that long and uphill road to achieve our dream of freedom – freedom from hunger, freedom from neglect, freedom from fear.” —Pangulong Marcos Jr.

Samantala, sa Kalayaan Parade ngayong araw, itinampok ang mga kagamitin ng sandatahang lakas ng Pilipinas, partikular iyong mga bagong assets na na-acquire ng bansa sa ilalm ng AFP Modernization program.

Kabilang dito ang apat na ground-based air defense systems surface-to-air missiles, dalawang Autonomous Truck-Mounted Howitzer Systems 155 mm self-propelled artillery, dalawang A-29B Super Tucanos, isang AH-1S Cobra attack helicopter, dalawang Blackhawks, at dalawang AW-109 naval helicopters.

Bukod sa military parade, mayroon ring mga naging bahagi ng parada mula sa civil at private sector, lalo’t layon ng selebrasyon ngayong araw ay itampok ang lahat ng tribo, edad, o sektor sa lipunan.

Makalipas ang 18 taon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng parada para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us