Kauna-unahang babaeng Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, nagtapos na ang tour of duty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang nagtapos nitong weekend ang tour of duty ng kauna-unahang babaeng ambassador ng bansang Czech Republic sa Pilipinas na si Jana Sediva-Treybalova.

Nagsilbing kinatawan ng Czech Republic sa Pilipinas si Sediva ng higit apat na taon.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naiproseso nito ang pag-repatriate ng mga stranded na Czech nationals sa Pilipinas at natulungan ang libo-libong katao.

Sa ilalim rin ng kanyang liderato ay nalagdaan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas sa larangan ng defense cooperation, pinalakas ang trade at investment, at lalong pinagtibay pa ang people-to-people ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan ay limang dekada na ang diplomatic relations sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: Czech Embassy Manila

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us