Kinumpirma ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagpanaw ng kaniyang ama na si dating Sen. Rodolfo Biazon.
Sa social media post ng alkalde, sinabi nito na 8:30 ng umaga ngayong Araw ng Kalayaan pumanaw ang dating AFP Chief of Staff at kongresista ng Muntinlupa.
2022 nang ma-diagnose si dating Sen. Biazon ng lung cancer.
May 21 nang siya ay ma-ospital dahil sa pneumonia at kinailangan pang i-intubate.
Siya ay 88 taong gulang. | ulat ni Kathleen Jean Forbes