Ramdam ng mga nagtitinda sa Minor Basilica of Saint Martin de Tours o mas kilala bilang Taal Basilica sa Batangas ang epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal lalo na sa kanilang kabuhayan.
Aminado ang magkapatid na vendor sa Taal Basilica na tumamlay ang bentahan ng mga produkto ng Taal, dahil tumumal ang mga bumisita sa naturang simbahan.
Dinarayo kasi sa Taal, Batangas ang mga produkto nito gaya ng dried na isda ng tawilis, tilapia, danggit at biya, na ibinebenta ng P100 per pack o P250 kung tatlong supot ang bibilhin.
Ibinebenta din ng apat P100 ang mga delicacy ng Batangas gaya ng iba’t ibang flavors ng bukayo, panutsa, pastillas, espasol at iba pa.
Samantala, nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Hazel joy Morada