Bumiyahe si Vice President Sara Z. Duterte patungong Brunei Darussalam upang dumalo sa mga gampaning may kaugnayan sa kanyang pagiging pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization.
Sa pagsisimula ng tatlong araw na working visit sa Brunei ay nakisalamuha si VP Sara sa mga guro, mag-aaral at school community sa Sekolah Rendah Pusar Ulak na isang elementary school sa Bandar Seri Begawan.
Kasama ni VP Sara si SEAMEO Secretariat Director Datuk Dr Habibah Abdul Rahim kung saan ibinahagi ang innovative programs sa pagbasa, collaborative mathematics learning at pagtuturo sa pagbasa ng Al Quran/Jawi.
Dumalo rin sa pulong ang Permanent Secretary ng Ministry of Education Brunei Darussalam na si Dr Shamsiah Zuraini Kanchanawati binti Haji Tajuddin.
Nagkaroon ng pagtalakay sa mahalagang papel ng partnerships at palitan ng kaalaman sa pagtugon sa mga hamon sa edukasyon sa Southeast Asian countries lalo na sa usapin ng learning recovery mula sa COVID-19 pandemic.
Sa impormasyon mula sa SEAMEO Secretariat, binibigyang-diin ng pagpupulong ang pagsisikap ng Brunei Darussalam, SEAMEO Council Vice President at SEAMEO sa pagtitiyak ng access sa dekalidad na edukasyon sa rehiyon. | ulat ni Hajji Kaamiño