House Defense Panel Chair, binigyang pugay si dating Sen. Biazon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot rin ng pakikidalamhati si House Committee on National Defense and Security Chair Raul Tupas sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon.

Aniya, bilang isang soldier-statesman, nagamit nito ang kaniyang pagiging strategic, tactical, at straightforward para maipasa ang ilan sa mga panukalang batas na kaniyang itinulak.

Kabilang na dito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act, Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Rental Reform Act of 2002, at Comprehensive and Integrated Shelter Finance Act.

Ani Tupas, pinagpala si dating Sen. Biazon na makita pa ang bunga ng mga panukalang kaniyang pinaghirapan lalo na ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas.

At ang mga bagay na ito, aniya, ang iiwang legasiya ng dating senador na nagsilbi rin bilang AFP chief of staff at lone district representative ng Muntinlupa.

Sa June 20, nakatakdang ilibing si Biazon sa Libingan ng mga Bayani. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us