CSWDO namahagi ng tulong sa mga biktima ng pag-araro ng water tanker sa Lapaz, Iloilo Citynamahagi ng tulong sa mga biktima ng pag-araro ng water tanker sa Lapaz, Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng tulong ang Iloilo City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa mga biktima ng trahedya sa Baldoza, La Paz kung saan inararo ng isang water tanker truck ang ilang residente.

Ayon kay Terry Gelogo head ng CSWDO, namigay sila ng 15 sako ng bigas, 225 na mga canned sardines, at 225 na mga canned beef loaf sa mga apektadong pamilya.

Pinoproseso rin ng CSWDO ang posibleng pagbigay ng financial assistance sa mga biktima.

Samantala, mas pahihigpitin pa ng Iloilo City government ang standard operating procedure sa pagresponde sa mga emergency sa lungsod dahil sa naganap na trahedya.

Dalawa ang binawian ng buhay habang 17 ang sugatan matapos araruhin ng water tanker truck ang ilang mga nakatambay na residente sa Baldoza, La Paz habang nagsagsagawa ng clearing operations ang emergency responders. | ulat ni Emme Santiagudo | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us