Balik face-to-face classes na ang mga mag-aaral sa Agoncillo, Batangas matapos suspendihin kahapon dulot pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mr. Junfrance de Villa ng Agoncillo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, sa kanyang obserbasyon ay wala nang presence ng volcanic smog o vog sa lugar at maghapon na rin naging maaliwalas ang panahon kahapon.
Paliwanag pa ni De Villa, naiipon ang ibinubugang gas ng Bulkang Taal kapag walang hangin na siyang nagiging vog at nakakaapekto sa mga kalapit na lugar kasama na ang Agoncillo.
Samantala, kanina bago mag-alas-6 ng umaga ay nagbuga ng mataas na usok ang Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dahil ito sa patuloy na upwelling sa main crater na lumilikha ng malakas na steaming sa bunganga ng bulkan. | ulat ni Hazel Morada