Tiniyak ng Climate Change Commission (CCC) na isa sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtugon sa climate change at ang masamang epekto nito sa bansa.
Sa pahayag ni Secretary Robert Borje, vice chairperson and executive director ng CCC sa United Nations Framework Convention for Climate Change (UNFCCC), sinabi niyang nasa US$8.2 billion ang inilaan na pondo ng pamahalaan.
Ito ay katumbas aniya ng halos 9% ng total national budget na gagamitin sa mga proyekto para makamit ang Nationally Determined Contribution targets.
Ang naturang bilang na base sa Climate Change Expenditure Tagging (CCET) ay 60 times na mas mataas kaysa sa climate budget ng Pilipinas noong nakaraang taon.
Dagdag ni Borje, eto na ang pinakamalaking budget allocation para sa climate change at nagpapatunay na sineseryoso ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga programa para sa climate action. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.