Bukod sa paghahatid ng relief goods ay sinisiguro rin ng Department of Social Welfare and Development na nasa maayos na sitwasyon ang mga kabataang inilikas sa mga evacuation center dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa DSWD, nagsasagawa na rin ito ng mga hakbang upang masigurong mabibigayn ng emotional at psychological support ang mga kabataan sa evacuation centers.
Kasama na rito ang pagsasagawa ng mga film screening activity sa children-evacuees.
Nagsasagawa rin ang DSWD Bicol regional office ng learning sessions sa Bungkaras at Taladong Evacuation Centers sa Camalig, Albay.
Sa pamamagitan nito, kahit na nasa evacuation center ay masisigurong magpapatuloy pa rin ang pag-aaral ng displaced students.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa halos P33 milyon ang humanitarian assistance na naipamahagi ng kagawaran sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Mayon . | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD Region V