Malaking tulong sa awtoridad ang koordinasyon ng mga tao mula sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon kung kaya natuntun ang lugar na pinagtataguan ni Abu Zacharia na lider ng DI-Philippines sa Brgy. Marawi Poblacion.
Ayon kay Colonel Palawan Miondas, Civil Military Operations Officer ng 103rd Brigade, kapwa nanlaban sa pinagsamang operasyon ng PNP at Militar ngayong June 14, 2023 upang ihain ang warrant of arrest kay Abu Zacharia at sa kanyang sub-leader na nagresulta ng kanilang pagkamatay bandang ala-una ng madaling araw.
Samantala, si Colonel Miondas ay positibo na sa pagkamatay ng kanilang pinuno, ang grupo ay humina na. Kanila ring hinihikayat ang mga kaalyado ng nasabing grupo na sumuko at bumalik sa kanilang normal na pamumuhay.
Sa kasalukuyan, balik na sa normal ang sitwasyon sa Marawi.
Patuloy na nagpapaalala sa publiko ang AFP, sa pamamagitan ng 103rd Infrantry “Haribon” Brigade, na sakaling makakita sila ng mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad, maaari magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng hotline number ๐๐๐๐-๐๐๐-๐๐๐๐.| ulat ni Johaniah Yusoph| RP1 Marawi