Ilulunsad ng Department of Science and Technology (DOST) XI ang mga proyektong Ramp Pump at Cacao Processesing Center sa Barangay Lumiad, Paquibato District, Davao City sa June 22, 2023.
Bahagi ito ng intervention ng DOST sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technolog (CEST) Program ng departmento.
Ayon kay Mr. Arnel M. Rodriguez, City Director ng DOST-Davao City Office, hindi gagamit ng kuryente ang ramp pump project at mahihila nito ng hanggang 3 kilometro ang tubig na pwedeng inumin ng mga mamamayan ng Barangay Lumiad na kasalukuyang kumukuha lamang ng tubig mula sa bukal.
Inihayag niya ito sa lingguhang Habi at Kape Press Conference sa Abreeza Mall, Bajada, Davao City.
Sinabi Rodriguez, ang Cacao Processing Center ay mapapakinabangan ng mahigit 20 Farmers’ Cooperative sa Barangay Lumiad.
Dahil Halal ang sentro, mararating aniya ng mga magsasaka ang malaking merkado ng Halal at inaasahang matutulungan silang magkaroon ng mas malaking kita at maunlad na pang kabuhayan. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao