TRO, tanging paraan para mapigilan ang toll increase sa NLEX ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senador Sherwin Gatchalian, tanging isang temporary restraining order (TRO) lang ang makakapigil sa pagtaas ng singil ng toll sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ito ng senador kasabay ng pakikiisa sa panawagan na itigil muna ang pagtataas ng singil sa toll ng NLEX.

Ayon kay Gatchalian, dapat munang magkaroon ng performance evaluation sa NLEX at kailangan rin munang masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa naturang expressway.

Bukas, June 15, inaasahang ipapatupad na ang P7 na taas-singil sa NLEX toll ng mga Class 1 vehicles, P17 para sa Class 2 at P19 para sa Class 3 vehicles.

Sinabi pa ng senador na matagal nang sinasabihan ang TRB na magsagawa ng performance evaluation bago mag-apruba ng toll increase.

Pinaalalahanan rin ni Gatchalian ang TRB sa tungkulin nitong tiyakin na makakakuha ang mga motorista ng maayos na serbisyong nararapat, bagay na hindi aniya nangyayari sa NLEX.

Ito ay dahil nakararanas pa rin aniya ang mga motorista ng mabigat na daloy ng trapiko sa NLEX dulot ng mga isyu sa kanilang electronic collection system.

Maliban sa TRO, pwede rin aniyang ipagpaliban na muna ng TRB ang toll increase at ikonsidera ang mga komento sa serbisyo ng NLEX. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us