Daing ng mga Mayon evacuees ukol sa isyu ng tubig at palikuran sa mga evacuation centers, bibigyan ng prayoridad ng Pamunuang Panlalawigan ng Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 4,000 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers dala ng pag-alburuto ng Mayon. Dalawa sa mga hinaing ng mga evacuees ay ang kakulangan sa tubig at maayos na palikuran sa mga evacuation centers.

Batid ng lokal na pamahalaan ng Albay ang kahalagahan ng malinis na tubig at maayos na palikuran sa kalidad ng kalusugan ng mga evacuees.

Dalawa sa mga pangagailangan ng evacuees ang syang tinututukan ng Albay Provincial Engineering Office sa ngayon. Ayon kay PEO Head Engineer Dante Baclao, sa isyu ng tubig, mayroon mga water lorry na nagsusuplay nito sa mga evacuation centers araw araw. May mga apat hanggang limang bladders din na may kapasidad na 10,000 litro kada isa na pwedeng mag suplay ng potable water sa centers. Aniya, sa ngayon, sapat ang mga aparatung ito para magsuplay ng kinakailangang tubig ng mga evacuees.

Samantala, nagbigay na din ng listahan ang PEO sa lokal na pamahalaan ng Albay ng mga ECs na may problema sa palikuran at iba pang mga pasilidad na kailangang ayusin. Dagdag nya, handa ang kanilang tanggapan na isagawa ang pag sasaayos at tiwala syang kayang tapusin ang lahat ng gawain sa loob ng 3 araw.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us