Portuguese tech companies, nais mamuhunan sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaabot ng mga kinatawan mula sa Portugal ang pagnanais ng mga hi-tech Portuguese firm na magtayo ng kanilang negosyo sa ating bansa.

Sa naging courtesy call ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines, Maria Cardoso, kay House Speaker Martin Romualdez, ipinabatid nito na isang kompanya na may specialization sa biometrics at e-gates ang pumasok sa isang joint venture kasama ang Pilipinas para subukan ang kanilang teknolohiya sa ating mga airport.

Katunayan, ang naturang kompanya ay nais magtatag ng kanilang regional headquarters at factory dito sa Pilipinas na inaasahang makapagbubukas naman ng dagdag na trabaho para sa mga Pilipino.

Maliban dito, isa pang Portuguese company ang nakipagkasundo sa isang local company para naman sa mas secured na communication technology sa ating defense establishments.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, napapanahon ang planong pamumuhunan ng Portuguese companies sa bansa lalo at isa ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakapagtala ng mabilis na paglago sa nakalipas na taon.

“Our President is the foremost advocate of utilizing technology and he is sincerely welcoming foreign investors. Besides, it makes a lot of sense for your companies to locate here, being among the fastest growing economies in the world,” saad ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us