Magsasagawa ang Senate Committee on Foreign Relations ng pagdinig kaugnay ng sinasabing request ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas na pahintulutan ang pagpapapasok at pansamantalang paninirahan dito ng mga refugees mula sa Afghanistan.
Gagawin ang pagdinig sa Biyernes ng hapon.
Base sa notice na ibinaba ng Senate panel, nakasaad na dahil sa kahalagahan at urgency ng naturang usapin ay magsasagawa ang komite ng public hearing sa halip na executive meeting.
Inilabas ang notice of hearing, isang linggo lang matapos ihain ni Senador Imee Marcos ang resolusyon kaugnay nito.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Marcos sa planong pagpapatuloy ng mga Afghan refugees sa ating bansa dahil aniya sa posibleng banta nito sa ating national security at public safety.
Kinuwestiyon rin ng senador ang hindi paglalabas ng detalye sa publiko ng
request na ito ng US. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion