MMDA, planong maghain ng mosyon sa SC para bawiin ang TRO vs. No Contact Apprehension Policy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Office of the Solicitor General para sa posibilidad na maghain ng mosyon laban sa inilabas na temporary restraining order para sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, posibleng maghain sila ng mosyon sa Korte Suprema upang i-konsidera ang pagbawi sa TRO laban sa NCAP.

Ipiprisinta aniya ng MMDA ang mga nakalap na datos mula nang suspendihin ang implementasyon ng NCAP.

Kabilang na rito ang pagtaas ng kaso ng mga naaaksidenteng motorista sa huling quarter ng 2022 at pagdami ng mga traffic violation.

Sa katunayan, nito lamang Mayo ay umabot sa 32,739 ang naitalang traffic violations na naging sanhi ng mga aksidente at pagbagal ng trapiko.

Dagdag pa ni Artes, nahihirapan silang ipatupad ang EDSA Busway Carousel Lane dahil hindi magamit na pangsuporta ang CCTV sa panghuhuli ng mga motorista.  | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us