Philippine Economic Briefing, muling gaganapin ngayon sa Singapore

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ngayong araw ang Philippine Economic Briefing (PEB) sa Singapore.

Ito ay may  temang  “Unfolding New Chapters in the Philippines’ Growth Story.”

Ayon sa Department of Finance (DOF) ito ay naka-schedule ngayong umaga at mapapanood sa mga official Facebook pages ng DOF, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department of Budget and Management (DBM).

Ito na ang pangalawang pagkakataon na magsasagawa ng PEB sa Singapore na pangungunahan ng economic team ng bansa.

Inaasahang ipiprisinta ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng mga Sinagaporean business leaders, bankers, and investors ang mga nakalatag na accomplishments at reporma ng bansa at mga hangarin sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023 -2028.

Ang PEB Singapore ay sa pagtutulungan ng DOF, DBS Bank Singapore, at Investment & Capital Corporation of the Philippines (ICCP).  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us