Tinawag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na “arguable” ang lumabas na report na 65 percent ng mga Pinoy ang hindi pa konektado sa internet.
Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay Sec. Uy kwinuwestyon niya ang inilabas na datos dahil aniya, imposible na 65 percent pa na mga Pilipino ang walang access sa internet kung tinatayang nasa 80 percent ng mga Pinoy ay may Facebook account.
Ginawa ni Uy ang pahayag kasunod ng report na inilabas na 65% ng mga Pilipino ang hindi pa konektado sa internet.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na ginagawa ng DICT ang lahat para makasunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatupad ang “Broadband ng Masa” at pagkalooban ng access ang mga Pilipino sa internet.
Aniya, dahil nakakakonekta ang maraming mga Pilipino sa mobile data o mobile internet pursigido umano ang tanggapan na tugunan ang connectivity maliban sa mobile platforms. | ulat ni Melany Valdoz Reyes