Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng malakas na pagsingaw o steaming activity sa Bulkang Taal.
Sa 24-hour monitoring nito, umabot sa 2,100 metro ang taas ng plumes na napadpad sa direksyon ng hilagang-silangan.
Bukod dito, may naitala ring 20 volcanic earthquakes sa bulkan, mas mababa kumpara sa 38 volcanic earthquake kahapon.
Kabilang rin dito ang 5 volcanic tremor na tumagal ng 2-3 minuto.
Nagbuga rin ng 5,024 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang bulkan at upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa main crater lake ng bulkan.
Nananatili namang nasa Alert Level 1 ang Taal volcano kung saan patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa